Isa ako sa mga estudyanteng matatawag na "weird" pagdating sa panglasa sa mga pagkain. Sa mga sawsawan, inimbentong mga pagkain at iba pa. Ang seafood pesto ay isa sa mga pagkaing hindi ko mahindian, kung tawagin nga nila ay "Can't resist". Masasabi kong inlove ako sa pagkain na ito. Kahit forever na ito lang ako pagkain ay hindi ako mag-sasawa.
Ang seafood pesto ay madali lamang gawin, nasa tamang timpla lamang nakasalalay ang panalong lasa nito. Ang seafood pesto ay hindi lamang masarap at malinamnam, maganda rin ito para sa ating kalusugan. Pinapasarap ito ng mga pangunahin nitong sngakap na pasta, pesto, olive oil, hipon, pusit, at kung gusto mo ay lagyan mo pa ng tahong. Ang oilve oil na nagmula sa olive ay nakakabuti sa ating puso. Magagamit din ito sa pagpapaganda ng balat, pang-gamot at panggawa ng make-up.
Ang pesto ay matatagpuan sa mga Italian Restaurants. Masustansya na, masarap pa. Naglalaro ang presyo nito sa 250-350 pesos. Siguradong sulit ka. Sa tuwing makakain ako nito ay pakiramdam ko nasa langit na ako.
Marian Ocampo
